Noon pa man, kalalakihan na ang pangunahing nakikita sa mga aklat kung saan kaakibat nila ang inisyatiba at tungkuling makipaglaban sa mga mananakop. Subalit, madalang nating nakikita ang lugar ng kababaihan sa panahong ito. Madalang din nating naririnig ang mga kwento ng kagitingan ng mga kababaihan – ang kanilang pamumuhay, pagsusumikap, at pagpupunyagi noong panahong Kolonyal. Sa panahong mas nakaaangat ang kalalakihan sa lipunan, hindi maitatangging makabuluhan at maraming naiambag sa lipunan ang kababaihang Pilipino.Bukod pa sa paksang tatalakayin, saklaw nito ang panahon ng pakikidigma ng Pilipinas sa mga Espanyol, Amerikano, at Hapon. Bunsod nito, layunin ng proyektong ito na talakayin ang mga buhay, estado, at tungkulin ng kababaihan noong panahong Kolonyal sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pagsuri ng datos mula sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Nais din nitong magbigay-pugay sa katapangan, kagitingan, at katatagan ng mga Pilipina noong panahon ng pananakop. Sa pamamagitan ng platapormang online, hango sa tanyag na website at application na Netflix ang proyektong ito, upang maipakita na maaari pa rin nating mapahalagahan ang mga babaeng bayani sa makabagong paraan na angkop ngayong ika-21 siglo.Mas napagtuunan man ng pansin at mas nabigyan ng pribelehiyo ang mga kalalakihan, hindi ito naging hadlang sa pag-angat at pagsulong ng kababaihan. Sa kabila ng mga ilalahad na kwento ng paniniil, pang-aabuso, pang-aapi pangmamaliit, pagbangon, pagsusumikap, pagpupunyagi, at pagtatagumpay ng kababaihang Pilipino sa pag-iwan ng makabuluhang alaalang nagtutulak sa kasalukuyang henerasyon na patuloy na mangarap para sa isang malaya at progresibong Pilipinas. Higit pa rito, magsisilbing isa sa mga patunay ang proyektong ito na ang mga babae ay hindi lamang nabubuhay upang pagsilbihan ang kanilang asawa o pagtuunan lamang ng pansin ang mga gawaing pantahanan at pangkabuhayan.

Aling yugto ang nais mong balikan?

Panahon ng Kastila

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Hapon

Sanggunian

Mga Bida ng K.K.K.

Bumalik sa homepage

Bisitahin ang ibang yugto

Mga Bida ng K.K.K.

Bumalik sa homepage

Bisitahin ang ibang yugto

Mga Bida ng K.K.K.

Storya ng iba't ibang mga bida

Bumalik sa homepage

Bisitahin ang ibang yugto